Ad

Ipinid

Ilabas At Huwag Mahiya

Noong Huwebes, malapit na ako nun sa simbahan ng Antipolo ay napansin ko ang ilang kabataan na may bitbit na karatula. Nakalagay sa karatula nila ang iba't ibang kataga na nagtatanong o nagsasabi ng kanilang saloobin. Isang babae ang narinig  kong may isinisigaw -- "Babae at lalaki lang ang ginawa ng Diyos... walang bakla o tomboy!"

At ito ang pumukaw ng aking atensyon. Bakit kaya niya sinasabi ang mga iyon? Galit ba siya sa mga taong kabilang sa tinatawag na "third sex"? Ano ang kasalanan ng mga bakla at tomboy sa kanya? Ang mga tanong na ito ang bumuo ng sulatin na ito.

Ano nga ba ang masama sa pagiging bakla o tomboy?

Marami akong mga kaibigan na kabilang sa pangatlong kasarian. Mababait ang karamihan sa kanila at yung iba naman, merong masamang ugali. Hindi ako nahihiyang meron akong mga kaibigan na tulad nila. Minsan mas higit pa ang kanilang mga kabaitan at pakikisama sa mga merong tunay na kasarian.


Mas responsable sila, mapagmahal sa magulang, nagtratrabaho ng marangal at mapagkakatiwalaan. Di ko sila ikinahihiya kun ganun man ang pinili nilang kasarian.

Mas marami ang bakla sa tomboy. Siguro dahil mas marami akong kaibigan na bakla kesa sa tomboy. Ang sasabihin ko sa mga susunod na talata ay obserbasyon at opinyon ko lamang...

Narinig ko kasi sa balita na umamin na si Ricky Martin sa kanyang tunay na kasarian. Alam kong luma na ang balitang ito. Pero ang tanong ko... Kailan kaya aamin ang mga nagtatago sa katawang lalaki pero binabae pala, lalo na sa mga artista natin? Yun bang mga "Closet Gays".

Bakit ba nila talaga tinatago ang pagkabakla o pagka-tomboy nila? Marahil marami silang dahilan. Siguro dahil sa career nila. Pero alam naman natin na walang magbabago sa career nila kahit aminin nila yun. Me nangyari ba sa career ni Rustom Padilla nung umamin siyang bakla siya? Ganun pa din, di ba? Mas gumanda pa nga yata eh. Sa tingin ko, mas mapapasama pa ang career nila kun patuloy nila itong itatago.

Siguro di pa tanggap ng nakakarami? Pano ka tatanggapin ng mga tao kun di mo tanggap ang sarili mo? Marami na din ang umamin sa kanilang sekswalidad pero tinanggap pa din ng mga tao. Aanhin pa ang pagtatago kun nakita ka na ng taya?

Magagalit ang mga fans at mga karelasyon? Mas magagalit sila kung sila pa ang makakadiskubre na ganun pala ang kasarian mo? Baka i-blackmail pa at makalikom ng maraming pera (sana lang makadiskubre ako ng ebidensiya na bakla talaga sina Erik, Piolo at Raymond).

Di masama ang pagiging bakla o tomboy. Basta me respeto ka sa mga tao lalo na sa sarili mo, tatanggapin ka nila. Sabi nga sa isang komersyal ng softdrinks... "magpakatotoo ka!". Ang sinasabi ko lang naman ay wag ikahiya ang kasarian.


Kung bakla o tomboy ka, aminin mo na. Maraming ganyan sa industriya na kinabibilangan ko. Ayoko lang na ang press release e, lalaki sila na maraming babae pero kung makapag foundation ng mukha ay pwede na taniman ng kamote sa kapal. Mapanghusga man ang mundo, basta alam mo sa sarili mo na totoo ka, wala na silang pakialam dun.

Bakit kaya di pa nahuhulugan ng malaking bote ng Colt 45 sina Piolo, Erik at Raymond? hahaha!

Inuulit ko, pananaw ko lang ang mga ito. Walang masamang intensiyon sa mga bakla o tomboy ang mga nakasulat dito. Yun lang.

Binibigyan ng kredits ang mga may ari ng larawan sa itaas.
Ipinid Ipinid Reviewed by Stone-Cold Angel on 4:00 AM Rating: 5
Powered by Blogger.