Balita

Nalalapit na ang aking kaarawan. Ilang araw na lang at madadagdagan na naman ng isang taon ang aking buhay. Sa aking sulatin nung nakaraan lang, me nailista akong mga hiling ko sa aking kaarawan. Gusto ko lahat magkaron ng mga yun sa kaarawan ko. Mga Picture Greetings mula sa mga tagsunod ng blog ko at sa mga gusto kong mga artista. Pero dahil sa magandang balita na inaabangan ko, mukhang di na muna materyal na bagay ang magiging prayoridad ko sa mga darating na mga araw. Ipagpapaliban ko muna ang pagbili ng Nikon D40, Iphone at Netbook. Kun di ka makasabay sa aking sinasabi, punta ka dito.

Ang inaabanagan kong balita ay manggagaling sa isang instrumento. Susubukan namin ito ngayong linggo. At kung magiging maganda ang resulta, kailangan pa din ng isa pang patunay na ganap na ang balitang inaabanagan namin. Ako na siguro ang pinaka masayang lalaki sa mundong ito pag naging positibo ang mga resulta. Matutupad ko na ang isa sa mga DAPAT kong gawin sa buhay. Kahit na di ko magagawa ang mga iba sa ngayon, dapat maging mas matatag at mas masipag ako sa mga darating na mga taon. Abangan na lang muna natin ang mga mangyayari sa mga susunod kong mga sulatin.

Patuloy nyo pa din na ipadala ang mga Picture Greeting nyo sa 9mmonline at gmail dot com. Ang mapipiling pinakamagandang larawan ay magkakaron ng maliit na sorpresa mula sa akin. Ito na ang huling sulatin ko sa buwan ng Abril kaya ano pa ang hinihintay nyo, ipadala na ang mga Picture Greeting nyo bago mag ika 10 ng Mayo taong kasalukuyan.

Salamat kay Jepoy na nagpadala na ng kanyang larawan.

Salamat din kina oliboy at bulakbolero.sg sa pagsunod sa aking mga sulatin.

Binibigyan ng kredits ang may ari ng larawan sa itaas.