Ilang Kaganapan Sa Akin
Update muna tayo. Medyo matagal na din akong di nakapagsulat dahil medyo busy ako. Lalo na ngayon na laging gusto ng esmi ko na lagi akong nakatabi sa kanya. Palagiang nahihilo at laging naghahanap ng pagkain. Sabi ko sa kanya, lahat ng ito ay pansamantala lang dahil nga nag aadjust pa ang katawan niya sa mga pagbabago bunga ng kanyang pagbubuntis.
Alam ko din na medyo ilang sulatin ko na ang me patungkol sa pagbubuntis ng asawa ko at baka mag sawa na kayo. Pasensya naman po. Medyo excited lang ako. hahaha!
Mayo 8, Sabado. Mula nang huli kong sulatin tungkol sa pelikulang "Fight Club", ay tinangka kong magsulat ng isa pang sulatin tungkol sa aking Nanay. Ang kaso, me pasok na ako kinabukasan at medyo tinamad na din ako. Pagdating ko sa bahay galing trabaho, hiniritan ako ng asawa ko ng french fries at Mcflurry.
Eh kulang ang dala kong pera kaya fries lang ang nabili ko. Paminsan, di ko din maintindihan si misis sa mga nais niyang kainin at gawin. Madalas siyang nagpapahanap ng mga pagkain na medyo malayo ang pagbibilhan. Kaya ayun, kanda ikot ang puwet ko sa kakahanap ng mga pagkain na gusto niya.
Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang mga yun, sa tunay na buhay din pala. Pagtapos kumain, naligo na ako at natulog.
Mayo 9, Araw ng mga Ina. Nabati ko naman halos lahat na kakilala kong mga Nanay lalo na ang Nanay at asawa ko ng maligayang araw ng mga ina. Medyo di maganda ang panahon. Paano, sobrang init talaga. Pati singit ko nagpapawis kahit me nakatutok ng bentilador. Naisipan naming mag asawa na bumili na ng Aircon.
Kaya lang wala pang budget para dun. Kailangan na nga talaga namin dahil sa sitwasyon niya ngayon. Magagamit din naman namin yun pagsilang ng mga anak namin. San kaya kami kukuha ng pera?
Mayo 10. Eleksyon. Me pasok ako. Wala din naman akong planong bumoto so ok lang. Parang karaniwang araw lang. Pag uwi ko sa bahay at pagbukas ng TV, nagulat ako sa aking napanood. Me mga "Hologram" at me mga "Real Time" na pag uulat pa silang mga pinapauso ngayon... parang sa pelikulang "Star Wars".
Kasabay yata ng pag automate ng botohan, e sumabay na din ang mga news channels sa new technology. Maganda naman at maayos ang botohan sa kabila ng mga batikos sa mga ito. Mukhang panalo na si "panot" at "negro" para sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa. Di ako nagrereklamo... di kasi ako bumoto.
Mayo 10 din sana ang deadline ng mga Picture Greeting na ni request ko sa mga mambabasa at mga bisita ng blog ko. Sayang at dalawa pa lang silang nagpadala. Na touch naman ako sa kanila. Pwede pang humabol yun iba. Salamat ng marami kay Jepoy at Roanne sa mga picture greeting.
Mayo 11 at 12, Gising. Ligo. Trabaho. Kain. Sundo. Uwi. Kain. Tulog.
Sa sabado na ang aking kaarawan. Natanggap ko na ang pinakamagandang regalo sa buong buhay ko. Sana lang medyo umulan na dahil sabi ng PAGASA ay tapos na ang El Nino. Sana din ay maging makabuluhan ang eleksyon na ito at sana umunlad na ang Pilipinas. At marami pang sana na pwede kong hilingin sa aking kaarawan...
Eto na lang muna.
Binibigyan ng kredits ang mga may-ari ng larawan sa itaas.

Ulat
Reviewed by Stone-Cold Angel
on
8:39 PM
Rating: