Ad

Positibo

Magandang Balita

Dumating na ang araw na hinhintay ko para malaman ang isang balita na matagal na namin hinihintay. Me mangilan ngilan na sintomas kaming napansin na nagbago sa nga naaraang araw. Pero di muna namin ito pinansin kahit na alam namin na medyo di nga normal. Baka kasi maudlot eh. Kaya medyo di na muna namin pinansin.

Kahapon, kaarawan ng aking Tatay at Araw ng mga Manggagawa, biglang nagpasundo sa akin ang misis ko mula sa kanyang trabaho. Huli ko nang natanggap ang mensahe nya at 30 minuto na lang at lalabas na siya sa trabaho. Kaya dali dali akong nagbihis at umalis papuntang Makati.


Pagdating ko doon, wala pa siya... kaya nag sindi muna ako ng sigarilyo (ang hirap tigilan eh lalo na pag naghihintay). Habang naghihintay, napansin ko ang ilang empleyado na kasabay kong naninigarilyo din. Tulad ko, siguro hirap din silang maiwasan ang sigarilyo.

Napaisip tuloy ako, siguro panahon na para tigilan ko na ang bisyong me sampung taon ng nagbabawas ng aking buhay. Sabi ko pa sa huli, susubukan ko...

Pagdating ng aking misis ay nagpasama siyang pumunta ng Tiendesitas. Me kun anong pumasok sa isip at bumili ng mga damit. Ok, fine. Mahirap kontrahin. Baka ma-stress. Naglibot libot at nakahanap ng mura kaya binili na din namin.


Bumili din kami ng instrumentong gagamitin namin upang malaman ang inaabangan naming balita. Dalawa ang binili namin para makasigurado. At ngayon nga ang "Araw ng Paghahatol" kun positibo. At...

...ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo dahil dumating na ang balitang hinihintay ko. Kahit sa isang instrumento lang galing ang balita, maganda ang hatid nitong konpirmasyon sa aming mag-asawa. 


Pinakita ng asawa ko sa akin ang dalawang guhit sa instrumento tanda na ito'y positibo. Plano namin magpatingin sa doktor para malaman namin kun talagang tuloy tuloy na ito. Sa wakas magiging AMA na din ako...

Nang nalaman ko ang resulta, di ko naiwasan na malungkot ako ng konti. Kasi magbabago na ang lahat. Mababago na lahat ang mga prayoridad ko sa buhay magmula ngayon. Iba na ang pagtutuunan ko ng pansin at enerhiya. Pero para sa akin, ikatutuwa ko ang bagong hamon na ito sa aking buhay. Lubos ko nang yayakapin ang pagiging mabuting ama sa magiging anak ko.

Maligayang kaarawan sa aking Tatay na si Abraham. Pasensya na po kun wala akong nairegalo sa iyo ngayong taon tulad ng nakagawian ko noong mga nakaraang taon. Bawi na lang ako sa sa susunod.
Positibo Positibo Reviewed by Stone-Cold Angel on 7:00 AM Rating: 5
Powered by Blogger.