Ad

Pangulo

Dilawang Pagbabago

Wala pa akong magandang paksang maisip sa ngayon. Dahil siguro sa init ng panahon at pagka-busy ko sa pag-aalaga sa misis ko e, nababawasan ang pagkakulit ng aking utak. Kaya sa sulating ito, magseseryoso muna ako. Ipapaalam ko sa inyo ang mga pananaw ko sa mga isyu ng bayan sa ngayon.

Pwedeng, sa tingin nyo, mali ang aking mga pananaw pero manininindigan ako sa mga ito. Kun me problema kayo sa pananaw ko, pwede kayong magkumento. Ayos lang yun. Nasa demokratikong bansa naman tayo kaya malaya nyong ipahayag ang inyong saloobin.

Wag kayog mag-alala, di ko kayo aawayin o makikipag-blog war sa inyo. Maiksi lang ang buhay para sa mga ganito. Simulan na natin...

Demokrasya. Sa tingin ko, nung nakuha natin ang kalayaan sa diktaturya ni Pangulong Marcos, di natin alam kun ano ang kahulugan ng salitang "demokrasya". Nasobrahan tayo sa pagkaluwag kaya ayun... walang disiplina.


Guilty ako dito kaya lang paminsan di ko maiwasan ang sarili ko na pumuna ng kapwa. Walang kangipin ngipin ang batas natin. Parang halos lahat pwedeng gumawa ng mga katiwalian at di makukulong kahit napatunayan na.

Tulad na lang ng "Hello Garci" at "ZTE Broadband" scandals. Kahit parang inamin na ni GMA ang pandarayang ginawa nya pero di pa din siya naparusahan. Kaya siguro tumakbo at nanalo syang kongresista para di mawala ang "immunity". Kapal talaga.

Mentalidad. Sa tuwing me eleksyon, pag natalo e dinaya sila. Hanggang kailan matatanggap ng mga ito ang kanilang pagkatalo. Maghahain ng demanda para bilangin uli ang boto at pagtapos ng tatlong taon na paghihintay, ke manalo o matalo, eleksyon na uli.


Di halos bale wala din. Lalo na ngayon, lumabas si "Koala Boy" na sinasabing may dayaang nangyari nung halalan. Bakit ngayon ka lang lumabas? Sana noon pa. At kung totoo ang mga sinasabi niya, sana ilantad niya ang mukha nya at ilabas ang mga kaukulang mga ebidensiya at kasuhan ang dapat kasuhan. Hay naku...

Mahirap. Isa pa sa pinagpuputok ng butsi at laman loob ko, ay yung pagpapahalaga nila sa mga mahihirap. Ano ba talaga ang basehan ng mahirap? Yun di nakakain? Di nakapag aral? Ang trabaho e mangalakal sa kalye? 


Sino ba talaga ang mahihirap? Kun tatanungin nyo ako, ang mahihirap ay yung di nagbabayad ng buwis. Kasi lugi tayong mga nagtratrabaho at nakakaltasan ng buwis para may swelduhin ang mga nasa gobyerno natin. Paminsan napakalaki pa ng kaltas. Sa tuwing sasahod ako ay ito ang kinaiinisan ko. 

Bakit merong iba na pwede palang di magbayad ng buwis at nakakagamit ng gamit ng gobyerno. Sana lang pantay pantay ang tingin at trato sa bawat Pilipino. Isa pa, ang kakapal ng mukha na mag sirena pag dadaan ang mga politikong yan sa daan. Akala mo kun sino kahit trapik na. Kapal ng mga buni sa singit!

Kolonyalismo. Kailan ba natin papahalagahan ang sariling atin? Tulad na lang ng mga PCOS machine na yan na inangkat pa sa ibang bansa. Kayang kaya natin gumawa ng mga ito at mas higit pang magaling kaysa sa mga gumawa sa ibang bansa.


Sana man lang meron tayong sariling pagtangkilik ng sariling talento ng mga Pilipino para naman di na nating kailangang gumaya sa ibang bansa. Kaya siguro kailangang mag-angkat, dahil walang makukurakot. Wag ganun.

Ganunpaman, umaasa pa din ako na magbabago ang mga Pilipino. Marami akong naiisip na pwedeng sulosyon sa mga isyu ng bayan. Una na diyan ang pagpapahalaga sa bawat Pilipino. Mahirap man at mahabang panahon ang kailagan gugulin dito pero ito lang ang tanging paraan tayo ay umunlad. 


Pangalawa ay ang pagtangkilik ng sariling produkto dahil ito ang mag aangat ng ekonomiya natin. Patawan ng buwis ang lahat at bigyan sila ng matinong hanapbuhay dahil dito kukuha ng budget ang gobyerno. at higit sa lahat, edukasyon sa bawat Pilipino.

Ilan lang ang mga ito sa mga gusto kong gawin kung magiging pangulo ako ng Pilipinas. Kun tatakbo ba ako, iboboto nyo ba ako ayon sa mga plataporma kong ito?

Maraming salamat kina jormillada, Jhiegzh at Khim sa pagsunod ng aking blog.

Binibigyan ng kredits ang may-ari ng larawan sa itaas.
Pangulo Pangulo Reviewed by Stone-Cold Angel on 5:45 PM Rating: 5
Powered by Blogger.