Ad

Kaarawan

Tatlumpu't Tatlo

Mga hatinggabi o lagpas lang ng hatinggabi, nagising ako dahil naramdaman ko na ako'y naiihi. Kagabi ko pa napapansin ang abnormalidad sa aking sarili. Masakit ang kaliwang bahagi ng aking ibabang likuraan.

Di ako makalakad ng maayos at hindi din ako makatulog ng maayos. Panay ang ihi ko dahil sa madalas kong pag inom ng tubig. Sa tingin ko ito ay dahil sa aking bato(kidney). Tinitignan ko pa kung makakaya pa sa tubig ang lahat pero ako'y nagkamali...

Ngayon ang aking kaarawan. Sasabihin kong ito ang pinakamalungkot at pinakamasayang kaarawan sa buhay ko. Malungkot kasi parehong di maganda ang pakiramdam namin mag asawa kaya di namin magawa ang kung ano man ang gusto naming gawin sa araw na ito. 


Ako na may pasok pa sa trabaho ay di nakapasok dahil sa nararamdaman ko sa aking likuran. Ang hirap ng sitwasyon namin kanina. Di namin makain ang gusto namin kasi walang bibili nito para sa amin. Di din ako makainom ng beer kasi bawal ito sa akin sa ngayon. Panay tubig nga ako ngayon.

Alam nyo na siguro kun bakit ito din ang pinakamasayang kaarawan ko. Ito ay dahil tinupad ng Diyos ang matagal ko nang hinihiling sa Kanya. Ang biyayaan kami ng anak. Sana din kambal sila na babae at lalaki. At dahil dito medyo di kami makagalaw ni misis ng maayos dagdag pa ang aking nararamdaman.

Pero ang nakakatuwa, kahit paano naalala ako ng aking mga kaibigan sa araw ko. Lalo na ang tatlong nagpadala ng kanilang pagbati sa pamamagitan ng Picture Greeting. Maraming salamat sa inyo. Saka ko na lang iisipin kun kanino ang pinakamaganda. Eto ang mga pinadala nila Jepoy, Roanne at Glentot:

Habang pinoposte ko itong sulatin na ito ay nanonood ako ng "Plug And Play" concert ng bandang Wolfgang mula sa kanilang website. Siguro di pa huli ang lahat para ipagdiwang ang aking kaarawan.
Kaarawan Kaarawan Reviewed by Stone-Cold Angel on 11:59 PM Rating: 5
Powered by Blogger.