Aking Talang Gunita
Ang bahaging ito ay pagsismula ng paglalahad ng aking buhay sa aking mambabasa. Layunin ko na makagawa ng talambuhay at maibahagi ang mga aral na natutunan ko sa aking buhay. Di lahat ay maisasaad dito dahil sa personal na mga dahilan.
Pwedeng masaya o malungkot o nakakatakot ang mga nakasulat dito pero sana, kahit konti, ay makapulot kayo ng aral sa buhay na pwede niyong gamitin sa araw araw na pamumuhay dito sa mundong ibabaw.
Magsisimula ang aking kwento sa pagkamulat ko dito sa mundong ito. Naalala ko na para lang akong nagising mula sa mahabang pagkakatulog. Malabo pa at naaaninag ko lang ang liwanag na galing sa labas at dumidilim uli. Di ko pa alam ang mundo noon. Wala pa akong muwang sa kung ano ang darating para sa akin.
Ipinanganak ako sa isang ospital sa Maynila. Ang mga magulang ko ay parehong nagtatrabaho sa isang pabrika na gumagawa ng piano. Medyo nakakaraos ang mga magulang ko sa pang araw araw kahit ang nakakatandang kapatid ko ay labas masok sa Ospital ng Puso (Heart Center) dahil sa sakit nito. Normal naman akong lumabas sa mundong ito kaya naman laking tuwa ng aking mga magulang.
Sabi ng Nanay ko, maputi at mataba ako nung sanggol pa lang ako. Kamukha ko daw ang Nanay ko. Syempre naman, kanino pa ba ako magmamana? Kitang kita daw nila sa mga mata ko ang pag-asang mabubuhay ako ng maayos at mabait.
Wala pa akong muwang noon... naatasan ang Tatay ko na bantayan ako dahil me pasok yata sa trabaho o namalengke nun ang Nanay ko. Me palabas na boksing daw nun sa T.V. at dahil sa mahilig manood ng boksing ang Tatay ko ay inilagay niya muna ako sa aking kuna. Masayang masayang nanood ang Tatay ko habang ako'y naglalaro sa kuna.
Bawat suntok ay inaabangan...
Kaliwa... kanan... ilag... sangga... kanan uli...
Tutok na tutok ang Tatay ko nang...
biglang makaamoy ng mabaho... amoy tae...
Inamoy amoy niya... at nang matunton ang pinagmumulan ng amoy ay napabalikwas siya mula sa kanyang kinauupuan.
Pagtingin niya daw sa akin, iba na ang nilalaro ko. Di pa uso ang diapers noon at nakalampin lang ako. Dumumi pala ako at ang masama pa...
(pasintabi sa mga kumakain)
kinakain ko daw ang aking dumi.
"Nakup?! Wag mong kainin yan!" sabi daw ng Tatay ko.
Malay ko ba? Wala pa nga akong muwang nun at di ko pa alam na tae na pala ang sinusupalpal ko sa aking bibig. Syempre ako'y nilinisan ng aking ama at hinugasan ang bibig. Di ko alam kun nakalunok ako ng tae pero di ko na alam yun. Bata pa nga ako nun eh. Hello?!
Himala naman na hindi ako nagkasakit at magmula noon ay binabantayan na ako ng aking Nanay pag wala itong ginagawa. Kumuha din sila ng katulong sa pag-aalaga sa akin. Nang lumaki ako ay inamin sa akin ng Tatay ko na di siya mmarunong mag alaga ng bata noon kaya ganun ang nangyari sa akin noon. Naintindihan ko naman siya.
Kaya siguro ganito ang hitsura ko ngayon... nakakuha yata ako ng ibang sustansiya sa aking pagkain ng aking dumi. Dapat kamukha ko si Brad Pitt ngayon eh pero dahil sa pagkain ng dumi at pagkabulate ko, ganito lang ang naging hitsura ko.
O siya, sa susunod na lang ulit. Mahaba pa naman ang pagsasama natin dito sa aking bahay. Salamat sa pagtambay!
Maraming salamat kay Rico De Buco sa pagsunod sa aking sulatin!
Binibigyan ng kredit ang may-ari ng larawan sa itaas.
Life Sketches File Number: 0407101619

Una
Reviewed by Stone-Cold Angel
on
3:45 AM
Rating: