Ad

Villa Sulit Resort Experience

Pangkat Buklod

Nasasabik pa naman ako nung Linggo dahil makakapunta kami sa dagat kasama ang mga katrabaho ko. Sa wakas, makakapag bakasyon at makakapag saya kami pagtapos ng mahabang panahon na pagtatatrabaho... kahit sandali lang.

Matagal ko na ding pinagplanuhan ang nasabing lakad at gusto ko sana isama ang asawa ko pero di siya nakasama gawa ng me pasok siya kinabukasan. Kaya kahit mag-isa lang ay sumama ako para magsaya at kumuha ng maraming larawan ng kalikasan. Pero iba ang kinalabasan ng lakad na ito...

Tuwang tuwa ako nung matapos ang aking huling tawag. Dali dali kong iniligpit ang mga gamit ko para makapaghanda sa biyahe. Gusto ko sanang makaupo sa magandang puwesto sa van para maluwalhati ang biyahe.


Nag-yosi muna ako at di pa nagtagal, dumating na nga ang mga sasakyan namin. Nakaupo naman ako sa magandang puwesto sa loob ng van. Lumarga na nga kami at matiwasay na binaybay ang EDSA at SLEX. Malapit na kami sa me gasolinahan sa gilid ng SLEX nang makatanggap ng text si TL Abbey mula sa isang van. 

Nabangga daw ito ng motorsiklo habang sinusundo ang isa pang kasama sa lakad namin. Nasa presinto daw sila at medyo ayaw pang makipag areglo nung naka motor. Wala naman nasaktan sa mga kasama namin at nagkaron naman ng mga sugat yun naka motor. Kaya wala kaming nagawa kundi maghintay sa me gasolinahan. Kumain at nagkwentuhan na lang kami pero naisip ko na parang me di magandang mangyayari sa lakad na ito...

Pagkalipas ng ilang oras, dumating na din ang van at nagkwentuhan kun ano ang plano. Kumain muna sila at muli kaming lumarga papunta sa resort na pupuntahan namin. Mahaba ang biyahe at kung ano ano pa ang binili namin para sa kakainin at gagamitin sa beach.


Nagkulitan na lang kami sa loob ng van para malimutan ang nangyari kanina. Gabi na nang dumating kami sa resort. Sa ilang taon na nagpapabalik balik ako dito sa Laiya, Batangas, ini-expect ko na maganda ang resort na pupuntahan namin. Nakapunta na ako sa La Luz at Kabayan Resort at maganda ang mga ito. Sinabi nila na katabi ito ng Blue Coral Resort kaya ako'y nag isip ng maganda dito.

Villa Sulit Resort. Isang kubo na kayang pagkasyahin ang 21 na tao?! Ano yan kalokohan?! Buti na lang yun iba nakapagdala ng sariling tent kaya bawas sila sa bilang ng tao na kailangan sa kuwarto. At dahil mga lalaki kami na walang kasamang iba, mapipilitan kaming matulog kun saan abutan ng antok.


Kumain kami para mabawasan ang galit. sa totoo lang masarap ang Pansit Kanton na inorder ko. Nabusog kami at naghanap ng pwedeng tulugan. Sa mesa ba o sa buhanginan? Nag arkila pa sila ng isa pang kuwarto pero di pa din kami kasya doon. Bahala na.

Inuman. Hindi ba pwedeng mag-inuman nang walang tinatawag na "open forum"? Sana lahat ng inuman, puro kakatawanan na lang. Nakalimutan ko kasi na sabihin sa simula na walang "bad trip" kasi andun kami para magsaya at mag-enjoy.


At hindi para maglabas ng sama ng loob. Sa una me kulitan pero nang sumipa na ang tama ng alak... ayun na. Hindi ko din sila masisi dahil ganun sila. Sana lang nakasama ko ang mga dati kong mga nakasama sa mga lakad na kagaya nito. Walang bad trip.

Pagtapos ng inuman, mga alas tres na ng umaga yun, wala na kaming nagawa at natulog na lang kami sa buhanginan. Naglatag lang kami ng banig at nakatulog na dahil sa lasing at pagod. Ginising nila ako ng bago sumikat ang araw pero dahil sa antok, natulog ako ulit. Nagising na lang ako nung medyo mataas na ang araw.


Nagayos ako ng sarili at naligo sa dagat. Nakakuha ako ng konting mga larawan pero di ako ganung ka saya sa pagkuha. Isa pa, nagloloko ang kamera kong si Nikole at di ako makakuha ng maayos. Ewan ko ba bakit nagkakaganyan siya. At dahil sa hapon pa kami uuwi, nakatulog kami ng nakaupo at yun iba nag ayos ng mga sarili.

Yun iba nagsugal, nag-inuman at nagkantahan. Sumapit ang ika apat ng hapon at kami'y sumakay na at umuwi pabalik sa reyalidad... ang Maynila.

Hatol. Maganda naman ang kinalabasan ng lakad namin kung di dahil sa mga konting aberya. Sabi nga ni Joseph na isa sa mga kasama kong natulog sa buhangin, "hindi ito yung masayang lakad." Tama siya. Me mga lakad na kahit napagkaitan kami ng tulugan, e masaya pa din. 


Mas masaya pa yun lakad namin sa Tagaytay. Kahit isang buong araw lang yun pero masaya kami nun. Di din maganda ang aking karanasan sa lakad na ito. Di ako nag enjoy sa totoo lang. Sana di na maulit ang ganitong eksena at sisiguruhin ko na di na mauulit sa amin ito. Ayoko na lang ikwento ito sa mga ka-grupo namin na di sumama.

Para sa mga larawan ko ng lakad na ito, i-klik dito.

Gimmick Review File Number: 0420101349
Villa Sulit, Laiya, San Juan, Batangas, Philippines
Rating: Fair


Villa Sulit Resort Experience Villa Sulit Resort Experience Reviewed by Stone-Cold Angel on 5:00 PM Rating: 5
Powered by Blogger.