Ad

Kaibahan

Mahirap Laban Mayaman

Habang nanonood ako ng balita kahapon sa telebisyon, napagtuunan ko ng pansin ang isang paksa na medyo nakapagpatawa sa akin. Ito ay ang pagbibintang na nagkaron ng "depresyon" ang isang kumakandidato bilang presidente na si Noynoy Aquino.

Natawa ako dahil naisip ko na baka sa kanya nagmana ang pamangkin niyang si Josh (anak ni Kris Aquino kay Philip Salvador). Pero di diyan ang pag uusapan natin ngayon. Nakabuo lang ako ng paksa dahil diyan sa napanood ko. Ang totoo niyan ang misis ko ang nagbigay sa akin ng ideya para gawin itong sulatin na ito.

Sisimulan ko sa tanong na...

Bakit ang mayayaman ay malungkot na tinatawag na "depressed" at kung mahirap ang tawag "emotero o emotera" lang?

Pag ang mayaman ay sugapa sa alak ang tawag sa kanila ay "alcoholic" at kung mahirap ka naman ay "lasenggero".

Kun ang isang tao ay me deperensiya sa utak o sa pag uugali, pag mayaman... ang tawag ay "special". Pag mahirap... "retarded"

At kung mayaman ka, gaya ni Jason Ivler na nakapatay. Dalawang buwan ang pwede mong itagal sa pribadong ospital, me paglilitis ng kaso na aabutin ng 5 taon at sariling higaan, aircon at kama sa kulungan. Kung mahirap lang si Jason Ivler, patay na siya agad kasi raratratin siya ng mga NBI. 


Kun makaligtas man siya, mamamatay din siya sa ospital dahil sa laki ng bayad at mahal na mga gamot. Kun ayaw pa talaga siyang kunin ni Taning, eh magakakasakit naman siya dahil sa siksikan at mainit na kulungan.

Iilan lang yan sa mga puna ko na nagpapahiwalay ng mayaman sa mahirap. Di ko nga alam bakit me mga ganitong puwang sa pagitan ng dalawa. O bakit me ganyang kaibahan? Pare pareho naman tayong mga Pilipino. "Pare-parehong mababaho ang tae" ika nga ng iba.


Ang sa akin lang naman ay sana pantay pantay ang tingin ng bawat isa sa atin. Ke mahirap ka o mayaman, mahalaga ang nasa isipan at nararamdaman ng bawat isa. Di porke't nakaka angat ka sa buhay, iba na ang tingin mo sa mga maliliit at mahirap. Guilty ako dito sa mga paratang ko at alam ko guilty din ang bawat isa sa atin. 

Tama nga na tanging ang Diyos lamang ang pwedeng humusga sa atin.

Kung boss ka at binabasa mo ito... ok lang. Pero kung simpleng empleyado ka... tama na petiks, magtrabaho ka na!

Binibigyan ng kredits ang may-ari ng larawan sa itaas.
Kaibahan Kaibahan Reviewed by Stone-Cold Angel on 3:30 AM Rating: 5
Powered by Blogger.