Pagbabago Daw?!
Mahigit sa isang buwan na lang (44 na araw para eksakto) at eleksyon na naman. Sa ika-10 ng Mayo ng taong ito, mamimili na naman ang mga botanteng Pilipino ng isang pangulo, isang bise presidente, labing dalawang senador, isang kongresman at iba pa.
At sa bawat boto nila, umaasa sila na magiging maunlad at mapayapa ang Pilipinas. Sa boto nila idadaan ang kanilang mga pangarap na umahon sa kahirapan ang Pilipinas. Pipiliin nila ang susunod na lider na gagawa nito. Pero ang tanong, kaya ba ng mga kumakandidato sa pagka presidente ang responsibilidad na ito?
Nung ako'y bata pa, gustong gusto ko nang mag 18 para ako'y makaboto na. Naiinggit ako sa mga magulang ko kasi sila ay nakakaboto na at nakakapili ng mga lider ng bansa. Nung nasa elementarya at high school naman ako, meron din naman akong karanasan sa pagboto para sa mga magiging lider ng school namin.
Pero iba pa din ang pagboto sa Pambansang Eleksyon. Kaya nung ako ay naging lehitimong botante ng Pilipinas, ganun na lang ang excitement ko. 1998 nun nung ako'y unang bumoto kasama ang mga barkada ko (magkakapareho kasi kami ng presinto). Hindi ko na lang matandaan kun sino ang binoto kong presidente noon, pero sigurado akong hindi si Erap.
Akala ko noon, basta bumoto ako at kahit talo ang aking binoto, gaganda na ang Pilipinas. Akala ko uunlad tayo at magiging kasing pantay na natin ang mga mauunlad na bansa. Akala ko mawawala na ang kahirapan.
Pero mali pala ang lahat nang iyon.
Mula nang ako'y bumoto, nakita ko ang paglapastangan ng mga politiko at sa kanilang kapangyarihan. Andun na paalisin nila ang presidente dahil yun ang gusto ng nakararami. Andun ang pandaraya sa eleksyon dahil gusto lang ay manalo at mai-extend ang termino. Korapsyon dito, scam doon.
Walang naisusulong na mga batas at panukala para sa ika-uunlad ng bawat Pilipino dahil abala sila sa pagiimbestiga ng kung ano ano. Korapsyon pa doon. Marami pa sana akong gustong sabihin pero di ko na maisip sa dami.
Dahil siguro sa mga napapanood, nababasa at pinagkaka-abalahan ng mga Pilipino, nagbubulag-bulagan na lang tayo. O di kaya, nagiging tanga lang tayo?
Hindi na ako bumoboto sa mga eleksyon at wala akong balak pang bumoto. Pinal na yan. Baket? Di ko pa nakikita at nakikilala ang taong magpapabago sa ating mga Pilipino.
Wala sa 8 kandidato na pagka-presidente ang hinahanap ko. Wala din sa mga kandidato sa ibang posisyon. Di ko alam kun naipanganak na siya o andiyan lang.
Kun nanonood kayo ng "Tanging Yaman" sa T.V., yung karakter na ginagampanan ni Rowell Santiago bilang pangulo ng Pilipinas, ay isang ideal na presidente para sa akin. Naninindigan sa prinsipyo, may lakas ng loob na kalabanin ang lahat, at higit sa lahat mapagkumbaba.
Yun bang merong balls na panindigan ang mga desisyon at hindi maging tuta nang kun sino man. Yung merong pagmamahal sa Pilipinas at hindi ipagbibili at iiwan sa ere ang mga kababayan. Pero syempre, walang ganong presidente sa totoong buhay.
Sa mga boboto ngayong halalan, isipin nyo ang mga bagay na ito bago nyo iboto ang presidente nyo:
Kailangan bang gastusan ng bilyones ang kampanya para sa posisyon na ang sweldo ay nasa walumput limang libong piso lamang buwan-buwan?
Kailangan bang ipangalandakan na di ka corrupt? Pano mo masasabing ipagpapatuloy mo ang nasimulan ng iyong mga magulang kun alam mo sa sarili mo na wala kang nagawa sa senado?
Kailangan bang gamitin ang mga mahihirap para maging presidente?
Bakit ninyo kailangan ng posisyon kun gusto niyo talagang makatulong sa kapwa nyo Pilipino na naghihirap?
At sa istasyon ng T.V. na ginagamit pa ang mga botante para makapagbahagi ng mga kabulastugang nangyayari sa halalan... Kanino ba ninyo talaga ibinibigay ang mga reklamong natatanggap nyo mula sa mga patrollers nyo?
Sapat na lang bang banggitin sa programa ang mga reklamong ito? O baka naman ginagatasan lang ninyo ang mga nagtetext sa inyo ng mga reklamo?
Sana mali ako sa mga inaakala ko sa mga kandidato. Sana lang hindi totoo ang mga obserbasyon ko tungkol sa politika. Di naman ako analista para paniwalaan nyo. Lahat kayo magsasabi na dapat simulan natin sa ating mga sarili, pero aminin din natin sa ating mga sarili na hindi tayo gagalaw kun walang mamumuno.
Kun rebelyon man ang di pagboto, rebelde na ako... Ayoko lang na boboto ko nga sila pero makikita ko ang mga kababayan kong nagdudusa pa din dahil sa mga taong sakim sa kapangyarihan at wala pa din pagbabago ang Pilipinas.
Salamat!
Binibigyan ng kredit ang mga may-ari ng larawan sa itaas.

Eleksyon
Reviewed by Stone-Cold Angel
on
6:00 AM
Rating: