Ad

Bagot

Hayyssst!

Habang nakasuspinde ako sa trabaho dahil sa bilang ng mga liban ko nung isang taon, eto ako sa harapan ni Macky Girl at nagba-blog. Natapos ko nang mag comment sa mga kapitbahay ko sa blogosperyo. Balak ko sanang magbakasyon sa ibang lugar. Wala naman akong mapuntahan na lugar dahil unang una, wala akong pera.

Pangalawa, me pasok ang aking esmi at di ko siya maisasama sa lakad kun meron man. At pangatlo, tinatamad ako. Naalala ko tuloy ang kasabihan ng isa kong katrabaho noon. Sa email ni Jiggs ay may katagang "Di baleng tamad... di naman ako pagod".

Mabalik tayo sa ating usapin, iniisip ko na lang na bakasyon itong pagkakasuspinde ko. Siyam na araw akong di sasagot ng mga tawag mula sa aking mga kliyente na magpapaayos ng kanilang internet koneksyon. 


Siyam na araw akong di mag iingles. Siyam na araw din akong di kailangan gumising ng maaga. Sa wakas... kalayaan! bwahahaha!

Pero pag nasanay ka na pala sa isang bagay, hinahanap hanap mo din pala. Nasa pang-apat na araw pa lang ako pero ako'y nababagot na. Meron akong gustong gawin (bukod sa pag blog at mag-internet), pero di ko alam kun ano o paano sisimulan.


Marami silang pumapasok sa isipan ko pero wala naman akong masimulan. Ang bagsak ko tuloy... ang mabagot.

Sa aking pag-iisip ng gagawin, eto ang nagawa kong listahan para naman hindi ako mabagot. Dapat di ako gumamit ng internet. Subukan nyo din ang mga ito kapag nababagot kayo...

Maglinis ng Bahay. Habang naglilinis, bilangin ang mga alikabok, ipis, daga, langgam, ahas o elepante na makukuha sa paglilinis.

Kalasin ang Refrigerator. Kailangan ng screwdriver dito. At pag nakalas na, ibalik at buo-in itong muli.

Bunutin ang bulbol. Kumuha ng tsani (yun pangkuha ng puting buhok) at isa-isang bunutin ang bulbol. Bilangin kung ilan ang makukuha. Ihiwalay ang kulot sa hindi.

Pahintuin ang Bentilador. Nasa sa inyo kun daliri o dila ang gagamitin pero dapat nasa pinakamalakas na pag-ikot ang bentilador.

Punuin ng Tubig ang Inodoro. Siguro gagawin ko ito pag tag-ulan na at marami nang tubig. Di ngayon dahil tag-tuyot tayo.

Papakin ang Kape. Parang Ovaltine lang o kaya Milo. Kun medyo kulang ang pagpapak nito, uminom ng kumukulong tubig at kumain ng asukal. Para ka na din nag kape. Dagdagan ng Coffeemate o kaya gatas para ganap na masarapan.

Dilaan ang Fusebox. Dapat naka-on lahat ng gamit para sa mas matinding sensasyon.

Subukang Dilaan ang Siko. Kailangan me makipagpustahan sa iyo bago ito gawin. Kumita ka na, nadilaan mo pa ang siko mo.

Bumahing nang Nakadilat. Kilitiin ang ilong gamit ang nakarolyong panyo at siguraduhing nakadilat pag bumahing. Hanapin ang mata pag nalaglag.

Itong listahan na ito ay katha lang ng malikot kong isip. Wala lang akong magawa kaya naisip ko itong mga bagay na ito. Para sa mga bata (18 taong gulang pababa) na makakabasa nito, huwag gawin ng walang pahintulot ng magulang.


Sa mga makakabasa baka meron kayong mungkahi kun pano di mabagot sa bahay. Ipadala lang ang mga ito sa akin at ang maswerteng mabubunot ay duduraan hanggang malunod (biro lang!).

Maraming salamat kay Ahmer sa pagbisita at pagkumento sa sulatin kong "Magnificent!!!". Salamat din kay Drake sa pagbisita at pagkumento niya sa sulatin kong "Fantasy".

Binibigyan ng kredits ang mga may-ari ng mga larawan na nakalagay sa itaas.

Bagot Bagot Reviewed by Stone-Cold Angel on 4:00 PM Rating: 5
Powered by Blogger.