Sulating Pambansa
Marahil ikaw ay nagtataka bakit ako nagsusulat sa wikang tagalog? Siguro nalusaw na ang utak at sumirit na ang dugo mula sa ilong ni MPSBA (Malamig-Pa-Sa-Batong Anghel - tama ba ang pagkakasalin ko sa tagalog? hehehe!) sa pag iingles nya? Siguro naubusan na siya ng ingles sa bokabularyo niya? Nagsawa na ba siya mag-ingles?
Ang sagot -- MALI ka.
Mali. Ako'y maraming dahilan kun bakit pinili ko na magsulat sa wikang kinalakihan ko. Unang una na diyan ay upang mas mapaabot ko ang aking saloobin sa mga kababayan ko at umaasa na kapupulutan nila ng aral(?) ang aking mga sulatin. Ke kabulastugan man yan o seryosong aral sa buhay, mas madali nilang maintindihan ang gusto kong ibahagi sa kanila.
Pangalawa, nagtratrabaho ako sa isang malaking kumpanya na kung saan ang aming kliyente ay galing sa ibang bansa. Walong oras akong nag-iingles para tulungan ang mga banyaga sa kanilang koneksyon sa internet. Siguro naman ay sapat na yon para ikabuhay ng aking pamilya. Hindi naman ako binabayaran upang mag ingles uli sa bahay ko at kun saan saan.
At ang pangatlo, nahihiya ako sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal. Siguro kun buhay siya ngayon, pinagbabatukan na niya ang lumalapastangan sa ating sariling wika. Isang malinaw na halimbawa ay si Kris Aquino. Alam kong edukada siya at matalino siya at kaya niyang mag ingles at mag tagalog ng sabay.
Pero wag naman sana siyang gumawa ng sarili niyang wika. Pinaghahalo niya ang ingles at tagalog. Ewan ko kun maarte lang talaga siya o ano pero di ko gusto ang pagsasalita niya. Kaya pag naririnig ko siyang nagsasalita, nililipat ko agad ang telebisyon para di mairita.
Siguro panahon na para baguhin natin ang ating pananaw na pag nagsalita ng ingles e, edukada ka o matalino ka o may lahi (breeding) ka na. Pag nagsalita ka ng "taglish" e malamig (cool sa ingles) ka na. Para sa akin ay mali ang ganung pananaw. Siguro mas tataas pa ang tingin natin sa ating mga sarili kun magsasalita tayo ayon sa pagkakataon at sitwasyon. Pag kinausap ka ng ingles, kausapin mo din ng ingles, pag tagalog dapat sumagot ng tagalog.
Sa lahat ng aking mambabasa, masyado bang malalim ang aking pananagalog? Naimpluwensyahan kasi ako ng mga blogs nila Random Student, Jepoy, Gillboard at Drake na palagi kong binabasa at kinapupulutan ng aral at kalokohan (biro lang!).
Siguro, ito ang simula ng aking pagbabahagi sa inyo sa wikang tagalog kun ano man ang kumakati sa utak (at yagbols?!) ko. Ito na rin siguro ang isa sa mga pagbabago sa aking bahay. Kaya tutukan nyo lang ang 9MMDOTNET. Sa susunod na sulatin ulit.
Salamat!
Ang mga larawan na nakalagay dito ay pag mamay ari ng kanilang orihinal na amo este may-ari.

9MMDOTNET In Tagalog
Reviewed by Stone-Cold Angel
on
6:00 AM
Rating: