Lahok Sa Saranggola Awards
Sa isang punto ng aking pagkabata noon ay nagalit ako sa aking mga magulang.
Marami kasi akong gustong laruan noong bata pa ako.
Naiinggit ako sa mga kalaro ko dahil magagara at magaganda ang mga laruan nila. Yun bang mga Transformers robots, GI Joe figures, Lego Sets at iba pa na nabibili sa mga department stores.
Yun ibang mga kalaro ko kumpleto pa sa mga sets ng mga nasabing mga laruan.
Kaya sa tuwing napapadaan kami sa Toy Section ng isang department store, parati kong kinukulit ang mga magulang ko na bilhan ako nung mga yun. Umiiyak pa nga ako pag di nila ako pinagbigyan. At ang resulta kurot at palo ang nakukuha ko sa kanila.
Di naman kami ganung kahirap pero di ako binilhan ng mga magulang ko ng mga mamahaling laruan. Ewan ko kun bakit. Di ko pa yun naintindihan dati.
Meron naman silang biniling mga laruan para sa akin pero sadya yatang wala akong kakuntentuhan. Bata pa nga ako nun.
Sa munting kaisipan ko, ang mga mamahaling laruang yaon ay ang magpapasaya sa akin ng lubos. At sa isip ko di ako pinapasaya ng aking mga magulang.
Ako'y nagkaron ng konting galit sa kanila noon.
Pero dahil na rin siguro sa aking pagkahilig sa laro, nakahanap ako ng mga ibang paraan para makapaglaro. Imbes na magpabili ako ng mga laruang ganun, nakuntento kami ng iba ko pang mga kalaro sa mga larong pinoy.
Ang mga teks, tansan, holen, goma, sipa ang naging laruan namin noon. Mga laruan na nabibili sa tindahan. Mura lang ang mga ito pero ang pagkakaibigan at saya ang hatid nito sa amin.
Naglaro din kami ng patintero, tumbang preso, taguan, habulan, at iba pang laro na di kailangan ng materyales. Di namin alintana ang init ng araw at ang mga sugat na maaari naming makuha sa mga larong ito. Ang importante, masaya at magkakasama kami.
Marami pang ibang mga laruan kaming nagawa nun ng aking mga kalaro mula sa mga mura at pakalat kalat na bagay sa paligid. Sobrang saya namin noon kahit ganun lang ang aming mga laruan.
Ngayon na ako's isang Tatay na, naiintindihan ko na kun bakit di nila ako binilhan ng mga mamahaling laruan noon. Di ko kasi ito kailangan at marahil ayaw nila akong maging dependent sa mga materyal na bagay.
Sa aking pagbabalik tanaw, nasabi ko sa sarili ko na hindi ko pala kailangan ng mga mamahaling laruan noon para sumaya. Sapat na ang mga laruang mura o di kaya'y galing sa mga retaso o "recycled" na mga bagay. Ang importante, masaya ang pagkabata namin.
Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil hindi sila bumigay sa kung ano man ang gusto ko noong bata pa ako. Hindi nila hinayaang maging "spoiled brat" ako.
Ito ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards 3 Blog (Freestyle)
Binibigyan ng kredit and orihinal na nag-upload ng larawan sa itaas.

Larong Pinoy
Reviewed by Stone-Cold Angel
on
9:00 PM
Rating: