Kakulangang Pinansyal
Medyo nahihirapan ako ngayon. Di pala. Nahihirapan kami ng misis sa mga panahon ngayon. Medyo nagigipit kami ngayon pagdating sa mga pinansyal na bagay. Halos kalahating buwan nakabakasyon ang aking misis dahil sa abnormalidad ng kanyang pangangatawan dahil na rin sa dinadala niya.
At dahil wala naman sa plano ang kanyang mga liban sa trabaho, wala siyang sinuweldo ngayong katapusan. Kaya medyo kukulangin ang budget namin. Kahit na medyo alam namin na merong darating at makukuhanan ng pera, sa tantiya ko medyo magigipit kami sa mga susunod na mga buwan.
Kaya kailangan ng "desperate measures" para sa ganitong mga sitwasyon. Kailangang pindutin na ang "Sipag Mode" sa sarili ko para medyo kumita ng konting pandagdag sa mga gastusin sa mga susunod na mga buwan. Naisipan ko na mag sideline or kumuha ng part time na trabaho para meron kaming pandagdag.
Sinubukan kong maghanap ng mga part time jobs sa internet kaya lang parang halos lahat ay scam o puro panloloko lamang. Kaya sa mga makakabasa nitong entry ko, humihingi ako ng tulong para maituro ako sa tamang daan para makahanap ako ng maayos na trabaho sa internet.
Gusto ko din sana lagyan ng ads ang blog ko, para kahit paano kumita kahit barya lang. Sayang din yun. Nabasa ko kasi sa entry ng isa nating ka-blog na kumita siya sa "Adsense" sa Google at kakatanggap lang niya ng kanyang cheke para sa kita niya.
Gusto ko sanang gumaya sa kanya. Kahit ano sanang trabaho e pwede kong pag-aralan ng mabilis at makapagumpisa with minimal supervision. Kaya sa mga makakabasa nito, sana matulungan ninyo ako.
Maraming salamat!
Binibigyan ng kredits ang may-ari ng larawan sa itaas.

Trabaho
Reviewed by Stone-Cold Angel
on
7:10 PM
Rating: