Kaalaman

Isa sa mga gusto ko tuwing nag-iinuman kami ng mga tropa ko ay ang mag-tawanan ng walang humpay. Paminsan pag may mga kasama kaming bago ay tinatanong ko sila ng mga tanong na may mga pabirong mga sagot. Noon ay bentang benta ito sa mga kainuman ko. Pero ngayon, hindi na. Wala na kasi akong mga bagong napupulot na joke sa mga nakainuman ko sa mga nakalipas na taon. Walang bago. Dagdag pa diyan ang pagdalang ng aking gimik dahil sa may asawa na nga ako. Ngayon ililista ko ang mga tanong na karaniwan sa akin pag nakainuman nyo ako. Sawa na nga ang mga tropa ko dito dahil paulit ulit na lang... pero ibahagi ko na din dahil wala akong maisulat. hahaha!

Eto ang mga tanong ko madalas pag nanantiya pa ako ng bagong kakilala:
- Bakit tanga si Superman?
- Kun tanga si Superman, bakit mas tanga si Batman?
- Kun tanga na nga sila, bakit ang pinaka tanga sa kanila ay si Wonder Woman?
- Ano ang mas matalas, puwet o ngipin?
- bukod sa balat, ano pa ang hindi kinakain sa balut?
- Bakit may sabaw ang balut?

Pag medyo ayos na at medyo natatawa na sila, kahit corny... at least nakuha ko na ang atensiyon nila. Lilipat naman tayo sa medyo berdeng mga tanong:
- Bakit ang panty may design na bulaklak?
- Bakit ang brief walang design na bulaklak?
- Bakit ang brief may bulsa?
- Kung ang buhok natin sa itaas ay magkakaiba, may tuwid, kulot, wavey, at iba pa... bakit ang buhok natin sa ibaba(bulbol) ay pare-parehong kulot?
- Anong masarap sa itlog?


At syempre, dahil kuhang kuha ko na ang atensiyon nila... diyan na papasok ang pinakabastos kong mga tanong. Ito ay ang mga sumusunod:
- Kun papipiliin ka, ano ang mas gusto mong ipasok sa puwet mo, pinya o saging?
- Saan makikita ang pinakamahabang buhok ng tao?
- Anong parte ng katawan ng tao ang di pwedeng uminit?
- Ano ang pinakamalambot na parte ng katawan ng babae?
- Ano ang pinakamalakas na parte ng katawan ng lalaki?


Di ko naman alam kun talagang mga patawa ang mga ito pero mapapa-isip ka sa mga tanong na ito. Sa kakaisip mo, malalasing ka. hahaha! Kun di nyo alam ang mga sagot sa mga tanong na nasa itaas, wag mag alala. Sasagutin ko ang mga tanong na yan. Magpadala lang ng "Picture Greeting" para sa nalalapit kong kaarawan bago mag ika-10 ng Mayo taong kasalukuyan. Malay nyo, mapili ko ang inyong padala... nabigyan ko na kayo ng sorpresa, nasagot ko pa ang mga tanong niyo at napasaya ko pa kayo.

Ipadala ang inyong "Picture Greeting" sa 9mmonline at gmail dot com.

Salamat!

Binibigyan ng kredits ang may ari ng larawan sa itaas.