Ad

Palito

Pagalala

Bata pa ako, mahilig na talaga ako manood ng mga nakakatuwang mga palabas. At dahil payat ako noon, lagi akong tinutukso ng mga kalaro ko na "payatot" o "palito". Kahapon ng umaga, nabalitaan ko sa isang kaibigan sa Facebook na namatay na ang komedyanteng si Palito.


Nalungkot ako dahil sa isa din siya sa mga haligi ng komedyang Pilipino dahil sa pagiging payat nito. At dahil napatawa niya ako nung bata pa ako, ito ang aking handog sa kanya...


Reynaldo Hipoloto
"Palito"
1934 - 2010

Ipinanganak siya noong Setyembre 4, 1934 sa Calamba, Laguna malapit sa bahay ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Nagtatrabaho siya bilang tagahugas ng pinggan sa isang restawran sa may Recto sa Maynila nang siya ay madiskubre ni Lauro Santiago.


Dito nagsimula ang kanyang karera sa pelikula. Ang una niyang pelikula ay bilang isang extra sa palabas na "Prinsipe Amante" noong 1960. Una siyang naging bida noong dekada otsenta nang i-spoof niya ang pelikulang "Rambo" ni Sylvester Stallone. Dahil nga sa patpating pangangatawan, "Rambuto" ang tawag sa kanya.


Nasundan pa ang mga ito ng mga pelikulang "James Bone","No Blood", "Kumander Kalansay", "Walang Matigas na Buto sa Gutom na Aso", at "Rambo Tango". Marami din siyang nagawang pelikula, nakakatakot man ang iba, nakakatawa pa din dahil sa taglay niyang pisikal na anyo.


Naging tambolero(drummer) siya sa isang casino sa Maynila bago namatay noong Abril 12 dahil sa komplikasyon sa baga.

Kahit na hindi siya kasing sikat at mayaman tulad ni Dolphy, naging haligi na din siya ng komedya ng pelikulang Pilipino. Siya ang orihinal na nagpatawa dahil sa kanyang payat na pangangatawan.


Biruin mo, tignan mo pa lang siya, matatawa ka na... hahaha! Pero bilib pa din ako sa kanyang pagpapatawa kaya ang espasyong ito ay para sa kanya. Kahit siya ay namatay na, para lang siyang nututulog... hahaha! Biro lang po.


Sa mga naulila, ako po ay nakikiramay sa kanila. Kay Palito, kun san ka man naroroon, matagpuan mo sana ang kaligayahan at kapayapaan.

Sa iba pang impormasyon tungkol kay Palito, i-click dito.

Binibigyan ng kredits ang may-ari ng larawan sa itaas.
Palito Palito Reviewed by Stone-Cold Angel on 3:30 AM Rating: 5
Powered by Blogger.