Ad

Rene Requiestas

Pagalala

Mahirap magpatawa. Lalo na sa harap ng maraming tao. Alam ko yan... dahil madalas sinusubukan kong magpatawa sa mga kaibigan ko pero paminsan lang sila talaga tumatawa. Madalas, kaya lang sila natatawa ay dahil sinasabi kong "Corny ko!".

Ang pagpapatawa ay isang talento at iilan lang ang meron nito. Aminin natin, di pwedeng wala nito sa trabaho, eskwelahan at gimik... kasi walang kwenta ito kung walang payaso na magpapatawa sa atin.

Sa pitak na ito, bibigyan ko ng puwang sa aking bahay ang isa sa mga paborito kong komedyante sa pelikulang Pilipino. Marami na siyang nagawang pelikula na kinagiliwan ko noong bata pa ako.


Renato Rabago Requiestas
"Rene Requiestas"
1957 - 1993

Ayon sa Wikipedia na naisalin sa tagalog, isang pangkaraniwang tao lang ang ating bida. Nagtitinda lang siya ng sigarilyo sa bangketa nang siya'y nadiskubre ng isang talent scout. Magmula noon ay naging sidekick siya ni Joey De Leon sa mga pelikula tulad ng "Starzan", "Alyas Batman en Robin", "Elvis en James" at iba pa.

Sumikat din ang tambalan nila ni Kris Aquino (noong bata at maganda pa siya) sa pelikulang "Pido Dida". Maraming pelikula siyang ginawa sa ilalim ng Regal Films at halos lahat ay tumabo sa takilya.

Pero naabuso nang husto ang kanyang katawan dahil sa bisyo niyang alak at sigarilyo. Dagdag pa ang kanyang sakit na tuberkulosis na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Natatandaan ko pa na isinisama pa kami ng aking Nanay sa mga pelikula ni Rene Requiestas. Ang huli kong natatandaan noon ay pinanood namin ang "Pido Dida 3" sa Manuela (Starmall na ngayon) sa me Crossing. Tuwang tuwa kami sa kanya dahil sa bungal niyang pagpapatawa.


Paminsan gumagawa pa siya ng adlib na linya para sa ikagaganda ng pelikula gaya ng "Umalis ka diyan, di ako makita sa kamera eh!" at "di pwede mangyari yun... bida ako dito eh!" Ngayon, napapanood ko na lang ang mga pelikula niya sa Cinema One. Di ko pa din napipigilan ang tumawa pag napapanood ko siya.

Sa tingin ko dapat siyang bigyan ng mga parangal at gawing Artista ng Bayan dahil sa kontribusyon at pagpapatawa niya sa mga Pilipino. Saludo ako sa iyo, Rene Requiestas!!!

Binibigyan ng kredits ang may-ari ng larawan sa itaas.

Maraming salamat din sa mga bagong sumusunod sa mga sulatin ko. Ito ay sina Roanne, Gege, Kaitee, No Benta, Rah at Vonfire. Maraming salamat sa inyong pagsunod at pag kumento sa aking bahay!
Rene Requiestas Rene Requiestas Reviewed by Stone-Cold Angel on 9:30 AM Rating: 5
Powered by Blogger.