Pinoy Movie Antagonists
Habang ako'y nakasakay sa bus pauwi mula sa trabaho, nag-iisip ako ng magandang punto na pwede kong ibahagi sa ilan kong mambabasa.
At sa aking pagkakaupo sa tabi ng bintana, natanaw ko ang karatula ni Senador LITO LAPID. Dati kasi akong fan ng senador noong bata pa ako at ginagaya ko ang kanyang pakikipagsuntukan, paglipad at pakikipagbarilan sa pelikula. Kapag nakikipaglaro ako sa mga kalaro ko noon, di pwedeng hindi ako si Lito Lapid.
Magaling na bida si Lito Lapid noon, pero hindi tungkol sa kanya ang aking ibabahagi sa inyo ngayon. Kundi ang mga nakalaban nya at ng mga sikat na bida noon. Ang mga KONTRABIDA.
Baket sila??? Wala lang. Trip ko lang.
Natatawa kasi ako sa mga katangian ng mga kontrabida sa pelikulang Pilipino. Kailangan me bigote o balbas, pangit ang mukha kesa sa bida, malaki ang katawan, mukhang manyak at di pahuhuli ng buhay, naka-jacket na leather kahit tanghaling tapat at iba pa. Di ko alam kun ito ang panuntunan o criteria para maging isang kontrabida noon pero ito daw ang kailangan para maipakita sa manonood kun gaano sila ka walang hiya sa karakter na ginagampanan nila.
Para sa akin, sila ang siyam na magaling na kontrabidang lalaki sa pelikulang Pilipino.
Charlie Davao. Ama ni Ricky Davao at di ko alam kun taga-Davao sila. Seryoso siya maging kontrabida. Cold-hearted kun baga. Siya yun tipo na laging masamang congressman o druglord ang papel.
Rez Cortez. Napanood ko siya bilang kontrabida sa pelikulang drama nina Lorna Tolentino at Christopher De Leon kun saan ginahasa niya si Lorna sa tapat ni Christopher. Pero madalas din siyang kanang kamay ng mga Big Boss. With matching kulot at kinky (?) na buhok at manipis na bigote.
Johnny Delgado. Isa sa mga haligi ng drama at aksyon. Seryoso din ang mga ginampanan niyang mga papel sa pelikula. Me bigote at balbas at nakatabako palagi ang aking pagkaka-alala sa kanya. Kaya lang siya'y pumanaw na. Sumalangit nawa.
Subas Herrero. Dati siyang ka-partner ni Noel Trinidad sa palabas na "Champoy". Akala ko magiging komedyante na lang siya pero meron pala siyang angking galing sa pag arte bilang kontrabida. Literal na siya ang Big Boss sa laki at taba niya.
Max Alvarado. Nakilala bilang si "Lizardo" na kalaban ni "Panday". Naging komedyante sa ilang pelikula pero tumatak na sa kanya ang pangalan na ginampanan niya. Para sa akin siya ang karakter ng isang pangit na kontrabida dahil kinatakutan ko siya nung bata pa ako.
George Estregan. Pag naririnig o nababasa ko ang pangalan niya e naiisip ko agad na siya ang "Ultimate THE RAPIST". Nasa hitsura nya ang pagka manyak sa mga karakter na ginampanan niya. Magaling din siyang gumanap bilang "Drakula" o "Lucifer" sa ibang pelikula.
Eddie Garcia. Isa sa mga aristang hinahangaan ko. Lahat na yata ng karakter eh nagampanan niya. Nakasali siya sa listahang ito dahil sa husay niya maging kontrabida sa iba't ibang uri ng pelikula. Mapadrama, aksyon o komedi, e pwede siyang bida o kontrabida. Ipoposte ko ang tribute ko sa kanya sa mga susunod na sulatin ko.
Romy Diaz. Isa din siya sa pinakamagaling. Pwede siyang rapist, manyak at big boss. Palagi siyang naka itim na leather jacket at me makapal siyang bigote at kulot na buhok. Naalala ko yun role nya sa "Epimaco Velasco Story, NBI" kun saan ginahasa at pinatay niya ang sanggol. Nakita ko kun gaano siya kagaling umarte na manyakis.
Paquito Diaz. Ang pinaka malupit na kontrabida sa pelikulang Pilipino. Halos lahat yata ng pelikula, e andun siya para maging kaaway ng bida. Kahit laging nabubugbog ng bida ay di siya nagsisi bilang kontrabida.
At katangian niya ang pagkakaroon ng makapal na bigote. Nang hanapin at interbiyuhin ni Korina Sanchez sa kanyang palabas, hinahanap hanap pa din nya ang pagbugbog sa kanya ni Fernando Poe Jr. Tanda ng kanyang pagmamahal sa pelikulang Pilipino.
Ang mga inilista ko ay mga tao lamang. Hindi sumasalamin sa totoong buhay nila ang karakter na ginagampanan nila sa pinilakang tabing. Wala namang magiging bida kun walang kontrabida.
Sa mga inilista ko at sa mga hindi ko nailista, saludo ako sa inyo sa pagtaguyod ng pelikulang Pilipino. Kun mag aartista ako, gusto ko maging kontrabida sa iisang dahilan...
para makapang GAHASA... hahahah! biro lang!
Isa na namang lahok sa Pakontest ni Gillboard.
Binibigyan ng kredits ang mga nagposte ng mga larawan sa internet na makikita sa itaas.

Kontrabida
Reviewed by Stone-Cold Angel
on
12:37 PM
Rating: